Isumbong ang Taong Nagpapakita ng Poot. Humingi ng Suporta.
Sa inyo man ito nangyari o sa ibang tao, hindi kayo nag-iisa: Nandito kami upang maisumbong ninyo ang anumang pagpapakita ng poot at makahingi kayo ng suportang kailangan ninyo.
Hindi Emergency
Hate Crimes & Bias Incidents Hotline
Mga operator na may kaalaman sa trauma mula 9am hanggang 5pm Pacific Time, Lunes-Biyernes.
Akses sa interpretasyon sa higit sa 240 wika.
Tinatanggap namin ang lahat ng tawag na Relay.
Puwede kayong magsumbong sa amin online anumang oras:
Magsumbong ng Hate Crime o Bias Incident (English)Isumbong ang Taong Nagpapakita ng Poot. Humingi ng Suporta.
Tulad lang ng sa ibang mga lugar, apektado ng hate (poot) at bias (pagkakaroon ng kinikilingan) ang mga komunidad sa Washington. Ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI, Pederal na Kawanihan ng Pagsisiyasat), isa ang Washington sa nangungunang limang estadong may pinakamaraming ulat ng hate crime mula noong 2018. Puwedeng makasakit nang matindi ang mga insidenteng ito sa mga tao at magdulot sa kanila ng pakiramdam na hindi ligtas at hindi kanais-nais sa kanilang sariling mga komunidad. Hindi palaging naiuulat ang mga hate crime (krimeng dulot ng poot) at bias incident (insidente ng pagkakaroon ng kinikilingan), kaya wala kaming kumpletong impormasyon tungkol sa kung gaano kadalas nangyayari ang mga ito. Gusto naming maging mapagtanggap, ingklusibo, at ligtas para sa lahat ang Washington.
Ang Hate Crimes & Bias Incidents Hotline (Linyang Matatawagan para sa mga Krimeng Dulot ng Poot at Insidente ng Pagkakaroon ng Kinikilingan) ay kung saan ninyo puwedeng isumbong ang pagpapakita ng poot at kung saan kayo puwedeng humingi ng suporta. Ang linya ay upang masuportahan ang mga biktima at makatulong na subaybayan ang mga hate crime at bias incident. Gusto naming:
- Suportahan ang mga taong nakasaksi o natarget ng mga hate crime at bias incident.
- I-refer ang mga tao sa mga serbisyong makatutulong. Hindi kami pulis, at hindi kami mag-uulat sa pulis maliban kung sasabihin ninyo na ayos lang na gawin namin ito.
- Ipaalam sa lehislatura, gobernador, alagad ng batas, at komunidad ng Washington ang tungkol sa lawak ng problema.
Ang hotline ay linyang masusumbungan ng hindi emergency. Kung may nangyayaring mapanganib ngayon, tumawag sa 911.
I-click ito upang alamin pa ang tungkol sa nangyayari sa hotline. (English)Isang Kasaysayan ng mga Batas sa Hate Crime at Bias Incident ng Washington
I-click ito upang alamin pa ang tungkol sa mga nakaraan at kasalukuyang batas sa hate crime at bias incident ng Washington. (English)Nakaranas o nakasaksi na ba kayo ng hate crime o bias incident?
Sa ilalim ng batas ng Washington, ang krimeng dulot ng poot ay ang malisosyo at intensiyonal, aktuwal, o mapagbantang pagsalakay sa isang tao o pisikal na paninira sa kaniyang ari-arian dahil sa ipinagpapalagay na lahi, kulay, relihiyon, angkan, pinagmulang bansa, kasarian, seksuwal na oryentasyon, pagpapahayag o pagkakakilanlan ng kasarian, o kapansanan sa pag-iisip, katawan, o pandama ng isang tao.
- Puwedeng kabilang dito ang: Pisikal na pananakit o pagsalakay sa isang tao
- Paninira ng ari-arian
- Mga pagbabanta sa isang tao o grupo ng mga tao na nagdudulot ng “makatuwirang pangamba” na posibleng magkaroon ng pisikal na pinsala o pagkasira ng ari-arian
Ang pagkakaroon ng kinikilingan sa ilalim ng batas ng Washington ay pagpapahayag ng masamang ugali o matinding galit sa isang tao batay sa kaniyang aktuwal o ipinagpapalagay na lahi, kulay, relihiyon, paniniwala, angkan, pinagmulang bansa, katayuan sa pagkamamamayan o imigrasyon, kasarian, sex, seksuwal na oryentasyon, pagpapahayag o pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan sa pag-iisip, katawan, o pandama, paggamit ng gabay na asong sinanay o nagseserbisyong hayop, o beteranong marangal na nakatapos ng trabaho o katayuan bilang militar na hindi maituturing na hate crime.Ang mga halimbawa ng mga bias incident ay kinabibilangan ng, pero hindi nalilimitahan sa:
- Paggamit ng mapang-insultong pananalita sa isang tao batay sa kaniyang aktuwal o ipinagpapalagay na lahi, kasarian, relihiyon, o iba pang protektadong pagkakakilanlan.
- Paglikha ng mga larawan o guhit na mapang-alipusta sa lahi o mapang-insulto batay sa aktuwal o ipinagpapalagay na lahi, kasarian, relihiyon, o iba pang protektadong pagkakakilanlan ng isang tao.
- Pangungutya sa isang taong may kapansanan o sa mga kagawian o kasanayan sa kultura ng isang tao.
Other Languages